Gusto ko pong ipabatid sa inyo na hindi na magiging aktibo ang blog site na ito. :( Ngunit maari pa rin akong bisitahin sa aking bagong blog: http://gilito03.tumblr.com/ Maraming Salamat! :)
Gusto ko pong ipabatid sa inyo na hindi na magiging aktibo ang blog site na ito. :( Ngunit maari pa rin akong bisitahin sa aking bagong blog: http://gilito03.tumblr.com/ Maraming Salamat! :)
Kaibigan ko si TIN Borja. Bukod sa pagiging kaibigan, nakasama ko siya sa CSSP Student Council 2009-2010 at sa “Kasama Ka” Slate ng Alyansa noong nakaraang taon. Dahil sa halos tatlong taon na pinagsamahan namin ni TIN Borja, naisipan ko na magsulat tungkol sa kanya at kung bakit siya ang nararapat na maging USC Chairperson sa susunod na akademikong taon.
1. Marunong makinig si TIN Borja. Naalala ko noong nasa CSSPSC kami lalo na sa Education, Training, and Popular Struggles (EDUC) Committee ng CSSPSC, may mga bagay o punto na hindi kami nagkasundo. Sa mga maiinit na diskusyon at hindi pagkakaunawaan, ang sasabihin niya sakin ay, “Sige, Gil. Ikaw muna ang magsalita.” Tanda lang ito na marunong makinig si TIN sa kanyang mga kaibigan at sa mga kasamahan. Handang makinig si TIN sa opinyon ng iba. Sa madaling salita, hindi sarado at makitid ang kanyang isip. Dapat, ang USC Chairperson, may ganitong katangian.
2. May Disiplina at Dedikasyon si TIN Borja sa kanyang trabaho. Alam niyo bang kahit MA student na si TIN Borja at kahit tuwing sabado lang ang klase niya sa UP, pumapasok pa rin siya araw-araw para sa USC? Ganyan kadedikado si TIN sa kanyang trabaho. Napag-usapan nga namin ito dati at ang sinabi niya saking dahilan kung bakit siya pumapasok pa rin araw araw ay dahil sa mga estudyante na bumoto sa kanya noong nakaraang eleksyon. Trapo man ito pakinggan para sa iba pero naramdaman ko ang sinseridad ni TIN noong sinabi niya ito. Dapat, ang USC Chairperson, may ganitong katangian.
3. Marunong si TIN Borja makisama sa mga tao. Hindi plastik si TIN. Kung hindi mo pa siya nakikilala, siguro maiirita ka sa kanyang ingay at baka sabihan mo pa siya na epal. Pero sa totoo lang, kapag nakilala mo si TIN, makakapalagayan mo kaagad siya ng loob dahil sa kanyang sinseridad. Dapat, ang USC Chairperson, may ganitong katangian at hindi nakakatakot.
4. May tiwala si TIN Borja sa kanyang mga kasama. Nakita ko kung paano magtrabaho si TIN. At kapansin-pansin na talagang pinagkakatiwalaan niya ang kanyang mga kasama pagdating sa trabaho gaano man ito kahirap. Dahil sa ganitong katangian, natutulungan niya ang iba na ilabas ang kanilang mga angking galing at talento. Maari ring sabihin na sa pamamagitan nito, nagiging inspirasyon si TIN ng kanyang mga kasama. Dapat, ang USC Chairperson, may ganitong katangian. Dapat, may tiwala siya sa kanyang mga kasama sa USC.
5. Mahaba ang pasensya ni TIN Borja. Kapag may nagawa kang mali kay TIN pagdating sa trabaho. Hindi niya ibubuhos ang kanyang panahon sa pagbibigay ng sermon o kaya sa panunumbat o paninisi. Bagkus, ang gagawin niya muna ay mag-iisip kaagad ng solusyon at susubukan niyang ayusin ang pagkakamali. Dapat ang USC Chairperson, may ganitong katangian.
6. May “sense of humor” si TIN Borja. Sa mga nakakakilala kay TIN Borja, maswerte tayo dahil nararanasan natin ang kanyang mga nakakatawang hirit at banat. Pero para sa mga hindi nakakakilala kay TIN, ang masasabi ko ay kayang-kaya niyang hulihin ang kiliti ng mga tao. Kaya niyang patawanin maski ang mga seryosong tao. Pero siyempre, hindi lang puro patawa si TIN. Nababalanse niya ang pagiging patawa at pagiging seryoso. Dapat ang USC Chairpeson, may ganitong katangian, para naman hindi boring ang USC.
7. Mapagkumbaba na tao si TIN Borja. Sa totoo lang, kahit mataas na ang naabot ni TIN, kung ano ang ugali niya noong nakilala namin siya, ganun pa rin ito sa kasalukuyan. Hindi ugali ni TIN na ipagyabang ang kanyang mga nagawa at dapat ang USC Chairperson, may ganitong katangian.
8. Para kay TIN, ang trabaho ay trabaho. Alam ni TIN kung paano ihiwalay ang trabaho sa mga personal na bagay. Sa madaling salita, propesyunal si TIN. Nakita ko ito noong nasa CSSPSC kami, kahit magkakaibigan kami, hindi ito naging dahilan upang hindi namin pag-usapan ang mga pagkukulang o pagkakamali sa trabaho. Dapat ang USC Chairpeson, may ganitong katangian.
9. Hindi lang saging ang may puso, si TIN Borja din. Noong katrabaho ko si TIN, hindi nakalimutan ni TIN na kumustahin nang personal ang kanyang mga kasama. Hindi tinuturing ni TIN na robot ang kanyang mga katrabo. Sa katunayan, siya ang buhay n gaming konseho. May paki-alam siya sa kanyang mga kaibigan at kasamahan. Dapat ang USC Chairperson, may ganitong katangian.
10. At si TIN ay isang Iskolar Para sa Bayan. Hindi ko na palalawigin ang bahaging ito dahil kitang kita naman na ang pagiging iskolar para sa bayan ni TIN Borja. Hindi mapapantayan ang kanyang pagsisilbi sa unibersidad at sa bayan.
Sa darating na Feb 17, pagkatiwalaan natin si TIN Borja na maging USC Chairperson. Kilala ko si TIN at alam ko na hindi niya tayo bibiguin. At hindi niya magagawa ito kung hindi rin natin ipagkakatiwala ang ating mga boto sa ALYANSA.
TIN-RALPH sa USC
ALYANSA tayo sa USC!
The stats helper monkeys at WordPress.com mulled over how this blog did in 2010, and here’s a high level summary of its overall blog health:

The Blog-Health-o-Meter™ reads Wow.
A Boeing 747-400 passenger jet can hold 416 passengers. This blog was viewed about 8,700 times in 2010. That’s about 21 full 747s.
In 2010, there were 53 new posts, not bad for the first year! There were 83 pictures uploaded, taking up a total of 23mb. That’s about 2 pictures per week.
The busiest day of the year was December 2nd with 677 views. The most popular post that day was Mojacko, Doraemon at Shin Chan.
The top referring sites in 2010 were facebook.com, search.conduit.com, google.com.ph, WordPress Dashboard, and mail.yahoo.com.
Some visitors came searching, mostly for mojacko, callao man, mojacko characters, jejemon, and damulag doraemon.
These are the posts and pages that got the most views in 2010.
Mojacko, Doraemon at Shin Chan September 2010
19 comments
Akala mo Tabon Man, Callao Man! August 2010
5 comments
Jejemon ang salita ng taon August 2010
2 comments
Ang Wikang Pinoy sa SONA ni PNoy July 2010
Nasaan ang Kasaysayan sa MAKABAYAN? May 2010
Sa kabila ng saya, ngiti at tawa, hindi ko maiwasan ang lungkot at hinayang. Ganito pala ang pakiramdam. Mahirap iwanan ang mga taong nakasama ko sa loob ng 7 buwan. Ang mga tao na nakatrabaho at naging kaibigan. Mga tao na nakasama sa tawanan, kainan at OT. Mga tao na naging bahagi ng aking unang trabaho.
Gusto ko sanang kunin ang pagkakataon na ito upang magpasalamat sa mga taong ito. Simulan natin sa ama ng EdTech. Sir J! Maraming maraming salamat po. Pasensya na po kung nabigo ko po kayo at pinili ko po ang ibang landas. Hindi ko po makakalimutan ang interview ninyo sa akin at ang ating mga pag-uusap tungkol sa pagsisilbi sa bayan. Sana po dumating ang pagkakataon na makabalik ako sa C&E sa hinaharap. At sana tanggapin po ninyo akong muli.hehe Sa ina ng E-Learning Department (ELD), Ms. Terrie! Maraming salamat po! Marami po akong natutunan sa inyo at tatanawin ko itong isang malaking utang na loob. Tulad po ng sinabi ko sa inyo, naunahan niyo po ako.hehe. Pero ipagpatuloy niyo lang po ang pag-aaral at sana ako rin naman po ang makakuha ng scholarship abroad tulad ninyo. Sa mga kasama ko na Instructional Designers (IDs), huwag na kayong sumunod sa akin.hehe. Sana magkasama-sama pa tayo kahit hindi na ako ID. Sana makasama ako sa food at movie trip ninyo. Ms. Liza, Bos Tsip Neil! Haha. Libre ah! Alam niyo na kung bakit.hehe. Lena, bantayan mo sina Liza at Neil.hehe. Balitaan mo na lang ako. Kay Gretel at Lian, wala na kayong kasamang gwapo kapag kakain ng lunch.hehe. Teacher JeDC, kayang kaya mo na ang Social Studies.hehe. Pasensya na, iniwan kita.hehe. Pero sana wag mo munang iwan yung papalit sa akin.hahaha. Sa ibang departments tulad ng Digital Technologies Department (DTD), E-Publishing Department (EPD), at ICTID, galingan ninyo! Haha. Bagamat hindi ko kayo masyado pang nakakatrabaho at nakakasama, naniniwala ako sa inyo. Naks.
Pasensya na. Hindi ko maiwasan na hindi magdrama. Pero ganun talaga ang buhay, puno ng drama.haha.
Hindi ako magpapaalam kung kaya’t ang sasabihin ko na lang ay hanggang sa muli at maraming salamat!
P.S. Kahit hindi na ako nagtatrabaho sa C&E, bubuhayin ko pa rin ang blog na ito at patuloy ko pa ring susuportahan ang PEJ at iba pang produkto ng EdTech. :)
EdTech goes Punk.
Dubbed as the “Best Christmas Rock Presentation” during C&E’s Rakistang Pasko: A Punk and Rock Party 2010. I hope you will all love watching the video as much as I did.
Disclaimer: This video is made available for public viewing. Please be advised that the music used (A Christmas Rock Medley) remains in the ownership of Orpheus Studio (www.orpheusstudio.co.uk)
This video was taken on December 23, 2010.
Sa tingin mo, ano ang pagkakapareho ni Pepito Manaloto at ni Jose Rizal?

![]()
Isang bagay lang ang nag-uugnay sa kanilang dalawa at ito ang lotto. Parehong nanalo sa lotto sina Pepito Manaloto at Jose Rizal. Si Pepito Manaloto na ginagampanan ni Michael V. ang bida sa palabas na “Pepito Manaloto” ng GMA Channel 7. Umiikot ang istorya ng palabas kay Pepito na nanalo ng 700 million pesos sa lotto. Mula siya sa hirap at dahil sa biglaang yaman, maraming pagbabago ang nangyari sa buhay ni Pepito. Sa kabilang banda, ang ating pambansang bayani rin ay nanalo sa lotto habang siya ay nasa Dapitan. Nanalo si Dr. Jose Rizal ng 6,200 pesos sa lotto noong 1892. Ginamit ni Rizal ang kanyang napanalunan upang tulungan ang kanyang komunidad sa pamamagitan ng pagtatayo ng paaralan, patubig, at iba pang kawang-gawa.
Usap-usapan ngayon sa mga kanto at tambayan ang mailap na papremyo sa 6/55 Grand Lotto. Kung hindi ako nagkakamali, lagpas 600 million pesos na ang nag-aantay sa mananalo. Sa bawat lotto ticket outlet na nakikita ko sa mga kalsada, maraming tao ang nakapila at nakikipagsapalaran na masungkit ang kumikinang na gantimpala.
Mahirap manalo sa lotto at kahit math/statistics major ay hindi makukuha ang tamang combination sa lotto. Sa madaling salita, swerte lang talaga ang kailangan. Para sa akin, wala namang masama kung tumataya ka sa lotto. Hindi naman dito nakabase ang isang pagkatao. Pero huwag sana tayong umasa lang sa swerte at sa lotto. Mas makapangyarihan pa rin ang pagsisikap at pagpupursige sa buhay. Wala namang masama kung tumaya o makipagsapalaran sa lotto, basta ang mahalaga, walang naaapektuhan o kaya naman ay natatapakan. Paumanhin sa may ibang paniniwala, okay lang sa akin ang lotto basta napupunta sa tama ang pera na kinikita nito. Tama ba ako PCSO? Dapat lang na ibigay ng PCSO sa mga mamamayan ang tulong na hinihingi tuwing panahon ng pangangailangan. Pero siyempre, masyado ata itong idealistic na walang kurakot sa gobyerno pero yan ang dapat. Naku, mukhang mahabang diskusyon ito. Ito na lang ang iiwan ko sa inyo,
Kung ikaw ang papalarin na manalo sa 6/55 Grand Lotto, ano ang gagawin mo sa perang mapapanalunan?

Isang taon na ang nakakaraan matapos mangyari ang malagim na bahagi ng ating kasaysayan. Isang taon na ang nakakalipas matapos ipakita natin sa buong mundo kung gaano ka-brutal at kasakim ang mga Pilipino pagdating sa pulitika. Isang taon na ang dumaan matapos nating patunayan na mahirap talagang makamit ang hustisya sa Pilipinas.
Sa loob ng isang taon na ito, naparusahan na ba ang mga may sala? Nabigyan na ba ng hustisya ang mga buhay na nawala? Nawala na ba ang private armies sa bansa? Maraming katanungan, maraming agam-agam. Ang tanong ng sambayanan, Ano na?
Ating balikan ang mga nangyari noong nakaraang taon. Hayaan ninyong ibahagi sa inyo ang pagsasalaysay ng GMA News. I-klik ang bahaging ito.